top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Mga tsuper, nganga — ALTODAP.. Ayuda ng gobyerno, napupunta lang sa operator

Writer: BULGAR
BULGAR
Sep 11, 2023
1 min read

ni Mai Ancheta @News | September 11, 2023





Ang mga transport operator lamang ang nakikinabang sa fuel subsidy na ibinibigay ng gobyerno. Ito ang inihayag ng Alliance of Transport Operators and Drivers Association of the Philippines (ALTODAP) sa harap ng inaasahang pamamahagi ng one-time fuel subsidy ngayong September sa public utility vehicles (PUVs).


Sa isang panayam sa radyo kay ALTODAP President Melencio "Boy" Vargas, maraming tsuper ang hindi nakatanggap ng fuel subsidy sa huling pamimigay ng gobyerno dahil sa mga operator ng PUV nakapangalan ang cash card.


Dapat linawin aniya ng gobyerno kung para sa mga tsuper ba o sa operator ang fuel subsidy dahil hindi naman lahat ay nakinabang sa ayudang galing sa gobyerno.


"Marami pong hindi nakakuha, ay kawawa naman po. 'Yung fuel subsidy para sa driver po ito, sa operator nakapangalan 'yung card, sana 'pag nakuha nila ibigay nila sa mga driver," ani Vargas.


Ayon naman kay Michael, isang driver ng jeep, masaya na sila kung mabigyan ng kahit isang libong piso mula sa P6,500 na ipinamimigay na fuel subsidy para sa mga pampasaherong jeep.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page