top of page
BIDA - ANGEL, NI-LIKE ANG PAG-UNFOLLOW DAW SA KANYA NI MARIEL AT KAY ANNE SA IG-FB Angel L

Mga tsuper, 'di solb sa P1 taas-pasahe... Tigil-pasada, kasado na

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 21 hours ago
  • 1 min read

ni BRT @News | July 20, 2026



TIgil-pasada - MANIBELA

Photo: File / MANIBELA / FB



Pinalagan ng mga transport group ang panukalang P1 dagdag-pasahe sa mga pampublikong sasakyan, at sinabing hindi ito sapat upang maibsan ang epekto ng inaasahang malaking pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.


Una nang inirekomenda ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa Department of Transportation (DOTr) ang pag-apruba sa P1 dagdag sa minimum na pasahe ng mga PUV kasunod ng inaasahang pagtaas ng presyo ng langis bunsod ng panibagong tensyon sa pagitan ng Estados Unidos at Iran.


Sinabi ni Manibela National Chairman Mar Valbuena na matagal nang hinihintay ang panukalang dagdag-pasahe, ngunit nananatili itong kulang kung ikukumpara sa inaasahang pagtaas ng presyo ng krudo.


Nauna na rin niyang inilarawan ang panukalang dagdag-pasahe bilang "too little" para sa mga tsuper na nahaharap sa patuloy na pagtaas ng gastusin sa operasyon.


“Piso lang itataas nila, balewala din 'yun. Kulang na kulang talaga 'yun sa mga driver,” aniya.

Nagbabala rin ang isa pang tsuper na posibleng mas marami pang driver ang tumigil sa pamamasada kung magpapatuloy ang pagtaas ng presyo ng langis.


Samantala, sinabi ng Pasang Masda na pinag-aaralan nito kung magsasampa ng panibagong petisyon para sa mas mataas na dagdag-pasahe kung magpapatuloy ang pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page