top of page
WINNER - SEN. ROBIN, IPINAGDIINANG DDS SI JOSHUA-FB Robin Padilla.jpg

Mga trapong wala namang nagawang batas, iboboto uli ng mga bobo-tante?!

  • BULGAR
  • Apr 20, 2022
  • 2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | April 20, 2022


KUNG HINDI NI-LIFT NI P-DUTERTE ANG MINING BAN NI GINA LOPEZ WALA SANANG NAGANAP NA TRAHEDYA SA VISAYAS AT MINDANAO – Pumalo na sa bilang na 172 ang mga taong namatay na natabunan ng mga gumuhong lupa, putik at nalunod sa tubig-baha dulot ng hagupit ng Bagyong Agaton sa Leyte, Samar at Davao region.


Sa totoo lang, kung hindi ni-lift ni P-Duterte ang mining ban na ipinairal ng yumaong dating DENR (Dept. of Environment and Natural Resources) Sec. Gina Lopez, ay hindi sana naganap ang trahedyang 'yan sa mga lugar na 'yan.


Dahil nga ni-lift ni P-Duterte ang mining ban ni Lopez, nagpiyesta ang mga mapagsamantalang mining company sa pagsira sa kalikasan na nagdulot ng ganyan kalagim na trahedya, tsk!


◘◘◘



KAPAG SI LENI NAGING PRESIDENTE TAPOS NA HAPPY DAYS NG MGA MAPAGSAMANTALANG MINING COMPANY – Promise ni presidential candidate, Vice Pres. Leni Robredo na kapag siya ang nagwaging presidente ay agad siyang magpapairal ng "no-mining zone" sa bansa.


Dahil d'yan, asahan nang gagamit ng kuwarta ang mga mapagsamantalang mining company para huwag manalo sa eleksyon si Leni, kasi kapag ito ang nagwagi, tapos na ang happy days nila sa pagwasak sa mga kabundukan, period!


◘◘◘



PROMISE NINA BBM AT P-DUTERTE SA PRESYO NG BIGAS – Ayon kay presidential candidate, former Sen. Bongbong Marcos ay kapag siya raw ang nagwagi ay gagawin niyang P20 ang per kilo ng bigas.


Sana, totoo ang promise na ito ni BBM (Bongbong Marcos) at hindi pampulitika lang, kasi kung inyong maaalala ay nag-promise rin nu'ng 2016 presidential election si P-Duterte na gagawin niyang P15 per kilo ang bigas, pero nang maging pangulo na, hindi ito nagkaroon ng katuparan, at ang masaklap, 'yung dating presyong P27 per kilo ng NFA (National Food Administrator) sa panahon ni yumaong ex-Pres. Noynoy Aquino, ay naging P32 per kilo na sa panahon ng Duterte gov't., tsk!


◘◘◘



MGA TRAPO NA WALA NAMANG NAGAWANG BATAS PARA SA KAPAKANAN NG MAMAMAYAN IBOBOTO ULI NG MGA BOBO-TANTE – Sa tuwing maglalabas ng resulta ang mga survey firms ay laging pasok sa top 12 ang mga trapong (traditional politicians) dating senador, na nais maging senador uli.


Kung totoo ang mga survey na 'yan, ay pagpapatunay na marami pa rin talagang bobo-tante, kasi mantakin n'yo, wala namang nagawang batas ang mga trapo na 'yan para sa kapakanan ng mamamayan, tapos gusto pa uling iboto ng mga bobo-tante?!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page