top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Mga trapo na masisiba ang dapat mag-diet sa kaban ng bayan

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 28, 2023
  • 2 min read

ni Pablo Hernandez III @Prangkahan | August 28, 2023


SOLUSYON NG DA SA MAHAL NA PRESYO NG BIGAS, MAG-DIET SA PAGKAIN NG KANIN -- Dahil sa mataas na presyo ng bigas, ay iminungkahi ng mga Dept. of Agriculture (DA) officials sa mamamayang Pinoy na mag-diet sa pagkain ng kanin.


Patunay ‘yan na mahinang klase ang mga DA official sa panahon ng Marcos administration, kasi imbes gawan nila ng paraan paano mapababa ang presyo ng bigas, eh, ang naisip na solusyon ay tipirin ang mamamayan sa pagkain ng kanin, tsk!


◘◘◘


KUNG NAGAWA NG DA NA SABIHAN ANG PINOY NA MAG-DIET SA KANIN, SANA SABIHAN DIN NILA ANG MGA TRAPO NA MAG-DIET SA PAGNANAKAW SA KABAN NG BAYAN -- Kung nagawa ng DA officials na sabihang mag-diet ang mamamayan sa pagkain ng kanin, sana ay sabihan din nila ang mga kurakot na trapo (traditional politicians) na mag-diet din sa pagnanakaw sa kaban ng bayan.


Masyado na kasing lugmok sa kahirapan ang ‘Pinas, tapos ang mga kurakot na trapo ang sisiba sa pagnanakaw sa kaban ng bayan, period!


◘◘◘


MABABAON NA TALAGA SA UTANG ANG ‘PINAS KASI ANG IPAMBABAYAD SA UTANG, UUTANGIN DIN -- Sa national budget hearing sa Senado, ibinida ni National Treasurer Rosalia de Leon na sa utang ng Pilipinas na P14.15 trillion ay makapagbabayad daw ang ‘Pinas next year ng P1.9 trillion, kaya lang ang ipinagtaka ni Senate Minority Leader Sen. Koko Pimentel na imbes mabawasan ang utang na P14.15-T dahil magbabayad ng P1.9-T ang Marcos admin, ay mas lalaki pa ang utang ng ‘Pinas next year na aabot na sa higit P15.8-T.


Ang naging tugon dito ni De Leon ay uutang raw kasi ang Marcos admin ng higit P3-T next year, at dito kukunin ang P1.9-T na ipambabayad sa utang, at ang nalalabing higit P1.1-T ay idadagdag sa 2024 national budget.


Mababaon na talaga nang husto sa utang ang ‘Pinas kasi ang diskarteng gagawin pala ng Marcos admin ay uutang para ipambayad bilang hulog sa utang ng bansa, boom!


◘◘◘


MALAPIT NANG MATAPOS ANG HAPPY DAYS NI TEVES SA PAGTATAGO SA IBANG BANSA -- Sinampahan na ng Dept. of Justice (DOJ) si suspended Negros Oriental Rep. Arnulfo Teves ng patung-patong na kaso.


Kaya’t sakaling magpalabas na ng warrant of arrest ang korte, d’yan na matatapos ang happy days ni Teves sa pagtatago sa ibang bansa kasi tiyak dadakpin na siya ng mga awtoridad, abangan!


po na masisiba ang dapat mag-diet sa kaban ng bayan

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page