top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Mga titser, estudyante at magulang sa EMBO, joint forces sa Brigada Eskwela

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 18, 2023
1 min read

ni BRT @News | August 18, 2023




Walang nakikitang problema ang mga school principal ng 14 na Enlisted Men's Barrio (EMBO) schools na ngayon ay nasa hurisdiksyon ng Taguig City sa pagbubukas ng 2023-2024 school year kasunod ng maayos na Brigada Eskwela.


Nakiisa rin ang mga estudyante, guro, mga magulang, alumni at iba pang external stakeholders.


Ayon kina Makati Science High School Principal Dr. Felix Bunagan at West Rembo Elementary School Principal Alma Adona, naging matagumpay ang Brigada Eskwela sa kanilang paaralan sa tulong na rin ni Taguig City Mayor Lani Cayetano.


Nagpaabot ng pasasalamat ang dalawang school principal kay Mayor Lani at sa Taguig volunteers sa naging suporta sa Brigada Eskwela na sinimulan noong Agosto 14 at magtatapos sa Agosto 19.


Sinabi ni Taguig-Pateros School’s Superintendent Dr. Cynthia Ayles na ang lahat ng 14 school officials ay may maayos na koordinasyon sa Taguig LGU noon pang Hulyo kaya walang dapat na ipangamba sa pagbubukas ng klase.


Sa Taguig City ay hindi lamang libreng school supplies, uniforms at sapatos ang inilalaan sa mga estudyante kundi maging scholarships para sa lahat, mayroon itong ibinibigay na scholarship na P15,000 hanggang P110,000 para sa mga kumukuha ng vocational, 2-year o 4-year courses; kumukuha ng master’s at doctorate degrees at maging mga nagrerebyu sa board at bar exams.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page