top of page

Mga tapat na abogado, kailangang-kailangan ng bayan

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 18, 2023
  • 1 min read

@Editorial | September 18, 2023


Nasa kabuuang 10,791 ang sasabak sa 2023 Bar examinations na nagsimula na kahapon. Kung saan, 5,821 ang kukuha ng exams sa unang pagkakataon habang 4,970 naman ang sasalang sa parehong exam na hindi bababa sa pangalawang pagkakataon.

Naka-schedule sa tatlong araw ang Bar exams ngayong taon. Ang una kahapon, Setyembre 17 at ang mga susunod na schedule ay sa Setyembre 20 at 24.

Hangad natin na lahat ay makapasa para madagdagan ang mga tagapagtanggol ng mamamayan lalo na ng mahihirap. Batid naman natin ang katotohanan na dumarating ang sitwasyon na kapag wala tayong pera o koneksyon sa makapangyarihan, mailap sa atin ang hustisya. Marami ang halos inabutan na ng kamatayan ay hindi pa rin nakukuha ang katarungan.

Kaya tulad ng ibang propesyon, dapat ay maging mapagpakumbaba ang mga abogado. Harapin ang mga problema ng lipunan at maging kaagapay sa paglutas ng mga ito.


Higit sa lahat, iwasan ang maging sakim at sa halip ay matutong magsakripisyo.


Umaasa rin tayo sa mga abogado na may sapat na tapang at dignidad para maghatid ng pagbabago sa judicial process ng bansa. Pabilisin ang pagbibigay ng katarungan at alisin ang mga hadlang.


Isa sa mga nagpapabagsak sa lipunan ay ang pang-aabuso at sabwatan ng mga nasa itaas at kanilang mga tagapagtanggol. Pilit na binabaluktot ang tama at ikinakalat ang kasamaan para sa pera, kapangyarihan at katanyagan. Kung magkakaisa ang mga tunay na lingkod-bayan, ang mga abogado na magsisilbing boses at lakas ng inaapi at mahihirap, mas madaling aahon ang bayan.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page