Mga tao naglabasan na, paninda 'nilalangaw' pa rin?!
- BULGAR
- Apr 8, 2022
- 1 min read
ni Ka Ambo - @Bistado | April 8, 2022
MARAMI na ang nababahala sa gumagrabeng giyera ng Russia at Ukraine.
Nakakarimarim ang eksena sa pagkamatay ng libo-libong sibilyan na nasawi.
Inilalarawan na isang genocide ang nagaganap sa Ukraine.
◘◘◘
Sa ilang ulat sinasabing natatalo ang puwersa ni Vladimir Putin.
Pero ang mga ulat na ito ay nagmumula sa international press na kapanalig ng US at NATO.
◘◘◘
Ibig sabihin, limitado ang mga impormasyon na nailalathala sa buong daigdig.
Itinatanggi ng Russia ang naturang impormasyon.
◘◘◘
NAIS palabasin ng mga kritiko na isang bagong Hitler si Putin.
Ang akusasyong ito ang nagpapalala ng sitwasyon.
Nahihirapan ang mga mediator na makausap si Putin.
◘◘◘
LUMABAS na ang mga tao pero ramdam pa rin ang matumal na negosyo.
Bakit kaya?
◘◘◘
MATAAS ang presyo ng
Mga bilihin kaya’t kakarampot ang mga kostumer.
Kumbaga, nilalangaw ang mga paninda.
◘◘◘
TINATAYA na lalong gagrabe ang sitwasyon matapos ang eleksyon.
Malaking sakit ng ulo ang mararanasan ng magwawaging pangulo.
◘◘◘
DAPAT ay iutos ni Digong ang exemption sa pagbabayad ng buwis ng maliliit na negosyante upang sumigla ang ekonomiya.
Pagbayarin lamang ng buwis ang mga danbuhalang korporasyon.
◘◘◘
MARAMING may sariling sasakyan ang sumasakay na lang sa public vehicles.
Mataas kasi ang presyo ng petrolyo.
Isang dahilan 'yan ng maluwag na trapiko.
◘◘◘
SAKALING mag-face-to-face classes, tiyak na tataas din ang singil ng mga school service.
Panibagong parusa sa mga magulang.
◘◘◘
MATAAS na rin ang presyo sa mga karinderia.
Lalaki ang halaga ng “baon” ng mga bata sa iskul.
Nakakanerbiyos ang mga eksena sa mga susunod na buwan.








Comments