top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Mga sultada sa pagbabalik ng PBA Governor's Cup

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 9, 2022
2 min read

ni Gerard Arce - @Sports | February 09, 2022




Sisimulan sa rematch ng TNT Tropang Giga at Magnolia Hotshots ang pagbabalik aksyon ng PBA Governor’s Cup habang tampok ang apat na bagong imports at bagong lipat na players sa season-ending conference sa Biyernes, Pebrero 11 sa Smart Araneta Coliseum.


Inaasahan ang sunod-sunod na laro ng TNT bilang paghahanda sa FIBA World Cup Asian qualifiers na kakatawan sa bansa kasama ang ilang manlalaro ng Gilas Pilipinas sa Pebrero 24-28.


Matapos ang Magnolia, babanat ang TNT sa Phoenix Super LPG sa Linggo (Pebrero 13) sa first game ng 4 p.m. San Miguel Beer sa Miyerkules sa Pebrero 16 sa second game ng 6 p.m.; at Ginebra sa Pebrero 18 ng 6 p.m. lahat sa Big Dome.


Inaasahang maglalaro sa ilalim ni coach Chot Reyes sina Roger Pogoy, Troy Rosario, Poy Erra, Kib Montalbo, Dwight Ramos, Juan Gomez de Liano, SJ Belangel, Tzaddy Rangel, Will Navarro, Jaydee Tungcab at naturalized player na si Ange Kouame.


Masasaksihan ang bagong import ng Fuel Master na si Donald Tankoua sa Linggo kontra TNT sa unang laro, sa Beermen si Orlando Johnson gayundin ang bagong player na si Rodney Brondial, kontra TNT.


“Actually, we have to thank them because they will play 4 games at the PBA and 4 games and five days at the bubble at the end of February and then they will play 3 more games after the bubble the following week to finish our PBA schedule. So, that’s the situation we face in,” wika ni Reyes sa PSA Forum, na ipinaliwanag ang kanilang posisyon kung bakit sila ang naluklok na koponan para katawanin ang bansa.


“I know andaming nagrereklamo, bakit TNT ang nandiyan, anong nangyari sa program ni Tab, ang sagot ko kung hindi natin lalagyan ng TNT eh di ma-dedefault tayo dahil walang 10 ang natitirang player eh. it’s a reality and up to today andami pa ring nagtatanong bakit may TNT players,” paliwanag ng 58-anyos na 9-time PBA champion.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page