top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Mga smuggler ng bigas, gumagamit ng dummy

Writer: BULGAR
BULGAR
Sep 25, 2023
2 min read

ni Ryan Sison @Boses | September 25, 2023


Tinitingnan na ngayon ng Bureau of Customs (BOC) ang nakarating na impormasyon na may “Chinese mafia” na sangkot umano sa pagpupuslit ng bigas sa bansa.


Ayon kay BOC Director Vernie Enciso, nakatanggap ang kanilang opisina ng mga reports na binabanggit ang mga Chinese, kung saan ang mga sangkot sa rice smuggling ay nasa sektor ng financing, distribution at iba pa na isa sa iniimbestigahan ng bureau.


Sinabi ng BOC na nagpapatuloy ang kanilang pagsalakay sa mga kahina-hinalang bodega na nagresulta sa pagkakakumpiska mula Agosto hanggang sa kasalukuyan ng nasa 236,571 sako ng smuggled rice mula sa apat na warehouses sa Bulacan, 36,000 sako mula naman sa Tondo, Maynila, at 20,000 sako mula sa Las Piñas at Bacoor, Cavite.


Diin ni Enciso na hindi tugma ang mga iprinesentang dokumento at actual imports sa mga naturang bodega.


Inamin naman ni BOC chief of staff Atty. Marlon Agaceta na mahirap matukoy ang pinagmulan ng mga smuggled rice at kung sino talaga ang nasa likod nito.


Ayon kay Agaceta, may mga small boats na lumalapit sa vessel na doon na itinatapon ang bigas, at ang mga smugglers ay nagtatago sa likod-likod, na kadalasang dummies ang kanilang ginagamit.


Ngayong taon, nasa 53 kaso na ang naihain ng BOC kabilang dito ang 416 importers at forfeited agricultural products na nagkakahalaga ng mahigit P612 milyon.


Sinaunang panahon pa ay problema na talaga ang rice smuggling sa ating bansa.


Hirap ang mga awtoridad na matukoy ang mga nasa likod nito kaya sa halip na mapigilan o mabawasan man lang ay parang dumarami pa ang mga smugglers.


Panawagan natin sa kinauukulan, tutukan sana itong mabuti at maging matalino sa pag-iisip ng paraan para naman hindi kayo maisahan ng mga itinuturing na nating mga kawatan dahil umaasa ang taumbayan na mareresolbahan na rin ito sa lalong madaling panahon.

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page