Mga sibilyang Pinoy, nalusutan ang China sa WPS
- BULGAR
- May 16, 2024
- 1 min read
ni Angela Fernando @News | May 16, 2024

Nakalusot ang civilian mission ng 'Pinas sa mga hanay ng barko ng China at tagumpay na narating ang sa Scarborough Shoal sa West Philippine Sea, ayon sa organizer na Atin Ito Coalition nitong Huwebes.
"Despite China's massive blockade, we managed to breach their illegal blockade, reaching Bajo de Masinloc to support our fishers with essential supplies. Mission accomplished!" saad ni Atin Ito co-convenor at Akbayan president Rafaela David.
Dagdag ni David, magsisilbing testimonya ng katapangan ng mga Filipino sa gitna ng matitinding hamon ang matagumpay na pagdating ng 'Pinas sa WPS.
Samantala, batay sa mga larawang kuha sa satellite ng mga maritime observers, nadagdagan ang bilang ng mga sasakyang pandagat ng China sa Panatag shoal nang hindi bababa sa halos 12 na barko.
Comments