top of page
BULGARY - NETIZENS, NAAARTEHAN NA KINA SARAH AT MATTEO_IG _matteog.jpeg

Mga sasakyan, tindahan, inararo... 3 nadale sa trak

Writer: BULGAR
BULGAR
7 hours ago
1 min read

by BRT @News | November 8, 2026



Nadale ng trak - Brgy. Mahayahay, Maasin City, Southern Leyte

Photo: Circulated / Brgy. Mahayahay, Maasin City, Southern Leyte



Sugatan ang tatlong katao, kabilang ang isang 2-anyos na bata, matapos araruhin ng trak ang mga nakaparadang sasakyan at isang tindahan sa Brgy. Mahayahay, Maasin City, Southern Leyte, nitong Biyernes, Nobyembre 6.


Sa kuha ng CCTV, alas-3:40 ng hapon, unang nabangga ng trak ang mga motorsiklo at isang pick-up bago tuluyang sumalpok sa tindahang nagsisilbi ring kainan.


Dalawang babaeng nagluluto ang napaso matapos matalsikan ng mainit na mantika, habang nagtamo naman ng minor injury sa ulo ang batang nasa loob ng tindahan.


Ayon sa imbestigasyon ng Maasin City Police Station, patungo sa bayan ng Sogod ang trak mula sa Maasin City proper nang mawalan umano ng kontrol ang drayber sa kurbadang bahagi ng kalsada dahil sa madulas na daan dulot ng pag-ulan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page