top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Mga sangkot sa palpak na bagon ng LRT, tuluyan!

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 19, 2023
1 min read

@Editorial | Pebrero 19, 2023



Milyones ang inilalaang pondo sa mga proyekto ng gobyerno, kaya dapat lang na maging kapaki-pakinabang ito sa taunbayan.


Ang problema, may ilang project na palpak at sa halip na mapakinabangan ay dagdag-problema pa.


Sayang na nga ang iginastos, mas mapapagastos pa.


Katulad ng kontrobersiyal na mga bagong bagon ng Light Rail Transit (LRT).


Matatandaang, kinumpirma ng Department of Transportation (DOTr) sa pagdinig sa Kamara na 80 sa 120 bagon, na may halagang higit P12 bilyon, para sa LRT 1 Cavite Extension Project na binili noong 2017 ay may water leaks. Tipong kapag umuulan sa labas, umuulan din sa loob ng tren, yari ang mga komyuter.


Bagama’t taong 2017 pa nabili ang mga nasabing bagon, hindi puwedeng dedmahin o palampasin na lang ang kapalpakang ito.


Dapat na may managot kaugnay sa isyu ng mga hindi magamit na bagon.


Bukod sa dapat resolbahin ng supplier ang problema sa mga bagon, tiyakin din sanang mapapanagot ang lahat ng sangkot sa pagbili ng mga ito. Dapat papanagutin ang mga tumanggap ng delivery ng mga bagon dahil sa nakalusot ang mga ito o pinalusot?


Malinaw na sablay ang inspeksyon.


Tandaan sana ng mga nasa gobyerno na bawat sentimo na inilalaan sa mga proyekto o programa ay galing sa pera ng taumbayan, dugo't pawis.


Hindi puwedeng masayang at lalong 'di dapat hinahayaan lang na mawala.


Sa panahon ngayon na sobrang hirap kumita ng pera, ingatan natin ang kaban ng bayan.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page