Mga sabungero, solid BBM-Sara
- BULGAR
- Mar 24, 2022
- 2 min read
ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | March 24, 2022
BBM PABOR SA ONLINE SABONG, LENI AYAW — Kung si presidential candidate, Vice Pres. Leni Robredo ay tutol sa online sabong dahil nakaka-adik daw ito at nakakaapekto sa value system, ay nagpahayag naman ng pagsuporta sa sugal na ito si presidential candidate, former Sen. Bongbong Marcos, Jr., basta maayos lang daw na ma-regulate ito.
Dahil tutol sa online sabong si VP Leni, hindi na siya iboboto ng mga sabungero, at dahil pabor naman dito si BBM, asahan nang masu-solid niya ang boto ng mga sabungero, boom!
◘◘◘
BOTO NG MGA SABUNGERO, SOLID SA BBM-SARA TANDEM — Tugmang-tugma pala ang tandem nina BBM at vice presidential candidate, Mayor Sara Duterte kasi tulad ni Bongbong ay pabor din ang presidential daughter sa online sabong.
Kung inyong maalala noong Abril 2021 ay sinabi ni Sara na pabor siyang magka-online sabong sa Davao City dahil malaki raw ang maitutulong nito sa dagdag-kita o revenue ng lungsod.
At dahil pabor nga si Mayor Sara sa online sabong ay asahan nang masu-solid din niya at ni BBM ang boto ng mga sabungero sa buong bansa, period!
◘◘◘
HINDI MAN AMININ, TIYAK MASAKIT SA DIBDIB NI YORME PAG-ENDORSO NG PDP-LABAN KAY BBM — Inendorso na ng PDP-Laban na partido ni P-Duterte ang kandidatura for president ni former Sen. Bongbong Marcos, Jr.
Dahil partido ito ni P-Duterte ay malinaw na si BBM (Bongbong Marcos) na ang ‘manok’ ng Presidente sa presidential election.
‘Ika nga, hindi man aminin ni presidential candidate Mayor Isko Moreno ay masakit sa kanyang damdamin ang isyung ito, kasi umaasa siya na siya ang bibitbitin ng partido ni P-Duterte, 'yun pala ay si BBM ang kursundada, saklap!
◘◘◘
DAPAT PANGALANAN NA NI P-DUTERTE ANG ANAK- MAYAMAN NA PRESIDENTIAL CANDIDATE NA SUGAPA SA COCAINE — Noong November 21, 2021 ay nag-blind item si P-Duterte na isang presidential candidate na anak-mayaman daw ang adik sa cocaine.
Habang hindi pa nagaganap ang pormal na halalan, ay dapat pangalanan na ni P-Duterte kung sino ang kanyang tinutukoy na adik sa cocaine upang hindi na ito iboto ng mga botante, kasi kung hindi niya papangalanan ay baka ito pa ang maging presidente, at kapag nangyari iyan ay tiyak pagtatawanan ng buong mundo ang Philippines dahil sa kasaysayan ay nagkaroon ito ng isang presidenteng sugapa sa droga, period!





Comments