top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Mga retired generals, tanggap agad sa Duterte gov’t., hindi pa man nag-a-apply!!!

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 7, 2021
2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | February 7, 2021



MASAMANG ASAL NI ROQUE, DAPAT AKSIYUNAN NG CSC—Nakasaad sa Civil Service Commission (CSC) na ang mga taong-gobyerno ay dapat nagpapakita ng magandang asal sa publiko, pero ang panuntunang ito ng CSC ay tila wala sa uri ng pagkatao ng public official na tulad ni Presidential spokesman Harry Roque.


Strike 2 na kasi sa batikos ng taumbayan si Roque dahil sa hindi magagandang statement niya sa harap ng publiko. Una, ‘yung sabihan niyang “huwag choosy” sa bakuna ang mamamayan at pangalawa, matapos ipagyabang ang pagdating sa bansa ng tunnel boring machine na gagamitin sa paggawa ng Metro Manila subway ay sinabihan niya ang mga kritiko ni P-Duterte nang... “manigas kayong lahat.”


Makaya naman kaya ng CSC na patawan ng parusa si Roque sa mga ipinakikita niyang masamang asal sa harap ng publiko? Abangan!


◘◘◘


DAHIL SA PAGIGING TAKLESA, ROQUE KAPAG KUMANDIDATONG SENADOR BAKA SUPALPALIN NG MGA BOTANTE—Dati ay hinahangaan ng publiko si Roque sa pagiging human rights lawyer, pero mula nang maging spokesman ni P-Duterte ay kinabubuwisitan na siya ng publiko sa pagiging sobrang taklesa.


Kaya kung may plano man si Roque na kumandidatong senador sa 2022 election ay huwag na niyang ituloy kasi baka kapag nanghihingi na siya nang boto ay supalpalin siya ng mga botante nang “ayaw namin sa ‘yo kasi choosy kami sa pagboto” at “manigas ka, hindi ka namin iboboto,” boom!


◘◘◘


TANGGAP NA AGAD SA DUTERTE GOV’T. ANG MGA RETIRED GENERALS, HINDI PA MAN NAG-A-APPLY—Pagkaretiro sa serbisyo ni AFP Chief Gen. Gilbert Gapay ay agad inalok ito ni P-Duterte ng puwesto sa gobyerno, at bahala na raw ang retired general kung anong posisyon sa pamahalaan ang gusto niya.


Napakasuwerte naman ng mga nagreretirong heneral sa AFP kasi hindi pa sila nag-a-apply ay tanggap na agad sila, at sila pa ang pinamimili kung saan nila gustong mapuwesto, boom!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page