ni Eli San Miguel @Overseas News | Oct. 1, 2024
Nakontrol na ng mga rebelde sa silangang bahagi ng Democratic Republic of Congo, ang Rubaya coltan-mining region, na nagpatupad ng production tax na tinatayang makakalikom ng humigit-kumulang $300,000 kada buwan, ayon sa ulat na natanggap ng United Nations Security Council nitong Lunes.
Sinakop ng M23 movement, isang organisasyong pinangungunahan ng mga Tutsi na sinasabing suportado ng Rwanda, ang lugar matapos ang matinding labanan noong Abril.
Ipinaalam ng lider ng UN mission sa Congo na si Bintou Keita, sa Security Council na ang kalakalan mula sa mga mineral sa Rubaya ay bumubuo ng mahigit 15% ng pandaigdigang supply ng tantalum.
Nangunguna ang Congo bilang tagagawa ng tantalum sa buong mundo, na itinuturing na kritikal na mineral ng United States at European Union.
Comments