top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Mga pulitiko, dapat matutong tumanggap ng pagkatalo

BULGAR
May 12, 2022
2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | May 12, 2022


DAPAT GAYAHIN NG IBANG PULITIKO SI VP LENI NA MARUNONG TUMANGGAP NG PAGKATALO – Nanawagan si Presidential candidate, Vice Pres. Leni Robredo sa kanyang mga supporters na irespeto ang naging pasya ng mas nakararaming Pilipino sa naganap na presidential election nitong May 9, 2022.


Hindi pa man nagku-concede ay sa tema ng salita ni VP Leni ay tanggap na niyang talo siya sa presidential election at si former Sen. Bongbong Marcos na nakakuha ng maraming boto ang nagwagi.


Sana lahat ng pulitiko ay tulad ni VP Leni, marunong tumanggap ng pagkatalo, kasi ‘yung ibang politicians, kapag natalo at hindi matanggap na natalo at ang idinadakdak ay dinaya raw siya sa eleksyon kaya natalo, boom!


◘◘◘


DEBATE AT INTERVIEW DEDEDMAHIN NA LANG NG MGA KANDIDATO SA 2025 ELECTIONS – Sa 2025 election ay malamang dededmahin na lang ng mga kandidato ang mga pa-debate at interview.


Maaari kasing gayahin nila ang pangdededma nina BBM (Bongbong Marcos) at Mayor Sara Duterte sa mga debate at media interview, pero milyun-milyong Pinoy pa rin ang bumoto sa kanila.


Kaya't sa susunod na eleksyon ay huwag nang umasa ang mga TV network at maging ang Comelec na may lalahok pang mga kandidato sa mga idadaos nilang debate at interview kasi puwede naman palang manalo kahit walang inilalatag na plataporma sa mga Pilipino ang mga pulitiko, period!


◘◘◘


UMAASA ANG MGA PILIPINO NA MAGIGING P20 PER KILO NG BIGAS SA BBM ADMINISTRATION – Isa sa dahilan kaya maraming Pilipino ang bumoto kay BBM ay dahil sa pramis niyang gagawin niyang P20 per kilo ang bigas.


Nang sabihin ito ni BBM, talagang ang daming netizens ang nag-like, love at care reactions sa social media.


Sa sobrang mahal ng per kilo ng bigas ngayon, ay umaasa ang mga Pilipino na sa 100 days ni BBM sa Malacañang ay maging P20 na lang ang presyo per kilo ng bigas, abangan!


◘◘◘


TOLL FEE INCREASE DAGDAG-PAHIRAP SA MGA MOTORISTA – Simula ngayong araw ay P2 ang itataas sa toll fee para sa mga kotse, P6 sa mga bus at mini-truck at P8 sa mga trak na dadaan sa NLex.


Siguro, kakamot-kamot sa ulo ang mga motoristang bumoto kay Sara for VP, kasi matapos nilang iboto ang anak ni P-Duterte, ay makalipas ang apat na araw, itong dagdag-bayad sa toll fee ang ibinigay na dagdag-pahirap sa kanila ng gobyerno ng tatay ni Sara, boom!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page