Mga pulis, pinagbabaril... 5 pumalag sa warrant, todas
- BULGAR

- 6 hours ago
- 1 min read
ni Mai Ancheta @News | August 8, 2026

Photo: File
Patay ang limang hinihinalang miyembro ng Dawla Islamiyah-Hassan Group na iniuugnay sa teroristang grupong ISIS matapos makipagbarilan sa mga awtoridad sa Brgy. Inug-ug, Pikit, Cotabato nitong Huwebes, August 6.
Batay sa report ng Maguindanao del Sur Police Provincial Office, magsisilbi sana ng warrant of arrest ang mga awtoridad laban kay Marhum Esmael, umano'y lider ng grupo at number one most wanted personality sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARRM), kasama ang apat na iba pang miyembro dahil sa mga kasong murder, frustrated murder, attempted murder at robbery.
Sa halip na sumuko, pinaputukan umano ng mga suspek ang mga pulis. Gumanti naman ang mga awtoridad na nagresulta sa pagkamatay ng limang suspek.
Nakatakas ang isa sa mga miyembro ng grupo kaya nagpatupad ng follow-up operations ang mga awtoridad.
Ang lider ng grupo ang responsable umano sa pag-ambush sa limang pulis sa Shariff Aguak, Maguindanao del Sur noong March 28, 2026 na ikinasawi ng mga ito at ikinasugat ng tatlong iba pa.
Kasama ng mga pulis sa operasyon ang mga operatiba ng 601st at 602nd Infantry Brigades.





Comments