top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Mga pulis, nasa ‘hot seat’ na naman

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 11, 2023
  • 2 min read

@Editorial | August 11, 2023




Nasa ‘hot seat’ na naman ang hanay ng kapulisan matapos mapatay ang isang 17-anyos na lalaki na napagkamalan umanong suspek sa Navotas City.


Batay sa imbestigasyon, nagtamo ng tama ng bala sa batok na tumagos sa ilong ang binatilyong si Jemboy Baltazar.


Ayon sa kaibigan ni Baltazar, nasa bangka sila para pumalaot nang dumating ang mga pulis at nagpaputok ng baril bilang warning shot.


Tumalon umano sa tubig si Baltazar dahil sa pagkataranta at pinagbabaril hanggang sa tamaan ng bala. Tumagal pa ng tatlong oras bago nakuha mula sa tubig ang kanyang katawan.


Ayon naman sa pulisya, ilan sa mga pulis na sangkot sa operasyon ang nagsabi na sa tubig lang sila nagpaputok ng baril, at may nagsabi rin na hindi sila kasama na nagpaputok.


Samantala, sa pahayag naman ng kapatid ng biktima, nakikipag-areglo umano ang ilang kamag-anak ng mga pulis na sangkot sa insidente.


Una rito, may tinutugis umanong suspek sa pamamaril ang mga pulis nang mangyari ang insidente.


Batay sa natanggap na impormasyon ng mga ito, nasa bangka ang suspek, at iyon ang dahilan kaya napagkamalan si Baltazar.


Nakapanlulumo na isang buhay ang nasayang dahil sa maling akala.


Mismong opisyal ng kapulisan na ang nagpaliwanag na kahit warning shot ay hindi dapat ginawa sa nasabing insidente. Hangga’t maaari ay idinaan muna dapat sa mapayapang paraan.


Kailangang matutukan ang mga pulis pagdating sa mga operasyon para hindi na maulit ang ganitong trahedya. Hindi ito ang unang pagkakataon, may iba pang mga naunang nangyari lalo na sa kasagsagan ng giyera sa ilegal na droga.


Hindi sapat na basta maalis lang sa serbisyo ang mga pasaway na pulis, dapat matiyak na mapagbabayaran nila ang ginawang kapabayaan o krimen.


asa ‘hot seat’ na naman

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page