top of page

Mga pulis na sangkot sa droga, ilalabas na — P-BBM

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 19, 2023
  • 1 min read

ni Mylene Alfonso | April 19, 2023




Inanunsyo ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., na may ginagawang internal review sa hanay ng Philippine National Police na layuning tukuyin ang mga opisyal na may kaugnayan sa ilegal na droga kung saan malalaman ang magiging resulta nito sa loob ng dalawang linggo o higit pa.


“Kaya naman ating ginawa ‘yung review, mga official sa police at dahan-dahan... malapit nang matapos. I think in another two weeks or so, we'll be able to finish that. We'll be able to review all of that," pahayag ni Pangulong Marcos sa 1st Joint National Peace and Order Council (NPOC) and Regional Peace and Order Council (RPOC) Meeting na ginanap sa Palasyo.


"It's a very complicated system, and it's a very complicated situation. Hindi naman tayo puwedeng umaksyon on the basis ng tsismis. We cannot move on that basis. We have to be very careful because we have to [be] fair. It has to be just," punto ng chief executive.


Nilinaw naman ng Pangulo na hindi kontra ang gobyerno sa puwersa ng pulisya dahil ito ang katuwang ng administrasyon sa kapayapaan at kaayusan.


Kaugnay nito, umapela siya sa mga miyembro ng PNP na makipagtulungan sa kanyang

administrasyon dahil mayroon siyang obligasyon na tugunan ang problema sa droga at tiyakin ang isang kapani-paniwala at mahusay na gumaganang puwersa ng pulisya sa bansa.


Gayundin, nais din ng Pangulo na magkaroon ng mekanismo lalo na sa mga tiwaling pulis kaya dapat na mabuwag ang mga ito sa hanay ng PNP.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page