Cong. Suntay, nag-sorry pero 'di nagsisisi sa hirit kay Anne
- BULGAR

- Mar 5
- 2 min read
ni BRT@News | March 5, 2026

Photo: RTVM
Humingi ng paumanhin si Quezon City Representative Bong Suntay kay Anne Curtis at sa mga nasaktan sa kaniyang mga pahayag sa deliberasyon ng House Committee on Justice sa reklamong impeachment laban kay Bise Presidente Sara Duterte.
Gayunman, nanindigan siya sa kanyang paghahalimbawa o “analogy.”
“While may mga tao siguro that found the analogy in bad taste, doon sa mga na-offend, tayo'y, inuulit ko, walang malice doon sa ninais nating gawin doon sa statement na iyon. Ayaw natin makasakit through that analogy,” sabi ni Suntay sa isang ambush interview kahapon ng umaga.
“But kung may nasaktan, humihingi tayo ng dispensa. Kay Ms. Anne Curtis din, kung nasaktan siya sa sinabi [ko], uulitin ko, there was no malice intended at tayo humihingi ng dispensa sa kanya. Pero when, totoo 'yung it was a fictitious situation na aking ginawa. Isa lang ang totoo doon, 'yung sinabi kong ang ganda-ganda niya,” patuloy niya.
Gayunman, nanindigan si Suntay sa kanyang paghahalintulad para ipakita na hindi impeachable offense ang imahinasyon.
“Pinakita sa video 'yung kay VP Sara (Duterte) at one of the allegations being used for the impeachment ay 'yung desire at saka 'yung kanyang imagination to inflict harm. Sabi ko nga, desire and imagination is not an impeachable offense,” paliwanag ni Suntay.
“I stand by my statement. That analogy was used to prove that statements are oftentimes taken out of context. Nagsisisi ako na may nasaktang mga kababaihan because that was never the intention ng aking statement,” pagpapatuloy niya.
Iginiit niyang muli na walang malisya ang kanyang analogy bagaman maaaring hindi nagustuhan ng ibang tao na hindi niya intensyong gawin.
“The intention was to make a point that usually, oftentimes, statements are taken out of context and conclusions are made. Secondly, desires and imagination cannot be made an impeachable offense. Because you need an overt act. Desires and imagination are not a criminal offenses. That’s the analogy. I regret na may nasaktan. But I don't regret making that analogy,” ayon pa sa mambabatas.




Comments