top of page
Search
  • BULGAR

Mga pulis, ‘di na dapat pinagsasabihan sa tamang paggamit ng cellphone

@Editorial | Abril 5, 2024



Ilang Philippine National Police (PNP) chief na ang dumaan pero ‘yung ibang pulis, pasaway pa rin.


Kaya tulad ng inaasahan, sa pagpasok ng bagong PNP chief na si General Rommel Francisco Marbil, may mga paalala at babala pa rin sa kapulisan.


Kabilang na rito ang mahigpit na pagbabawal sa paggamit ng cellphone ng mga pulis habang naka-duty. Ito ang unang direktiba ng bagong hepe.


Nais niyang makita ang presensya ng mga pulis partikular na sa mga komunidad sa buong bansa. Kailangang maramdaman at makita ang mga pulis sa gitna ng mga pang-araw-araw na ginagawa ng publiko. Hindi ‘yung nakikitang laging nakayuko at nagse-cellphone. 


Sa halip na magmasid sa paligid at bantayan ang anumang banta, nakababad sa social media at busy sa panonood ng videos.


‘Yung ganitong sablay na gawain, hindi na nga dapat ipinapaalala, dahil tayo’y naka-duty at ang inaasahan ng publiko ay tutok sa nagtatrabaho.


Kaugnay nito, matindi ang babala ng PNP chief, ito na umano ang una at huling babala niya sa mga pulis at sinabing walang kapatawaran ang sinumang mahuling gumagamit ng cellphone sa oras ng duty. 


Bagama’t sinabi naman na puwedeng gamitin ang cellphone sa mga emergency o depende sa sitwasyon.


Kaya sa mga mamang pulis, maging responsable na sana sa paggamit ng cellphone para ‘di masampolan.


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page