Mga pulis, bawal ang natutulog sa pansitan ngayong Pasko at New Year
- BULGAR
- Dec 14, 2022
- 1 min read
@Editorial | December 14, 2022
Kumpiyansa ang pamunuan ng Philippine National Police (PNP) na bababa pa ang crime trend sa bansa ngayong Disyembre.
Ito ay dahil sa ipakakalat na 85% ng kabuuang puwersa ng pambansang pulisya, partikular na sa matataong lugar.
Kaisa rin ang mga force multipliers sa pagtiyak sa seguridad ng publiko at gayundin ang pagpapaigting pa sa mga checkpoint operations.
Layunin nitong tiyakin ang kaligtasan ng taumbayan habang abala sa pag-e-enjoy ngayong panahon ng Kapaskuhan at Bagong Taon.
Napakalaking tulong na may mga pulis na nag-iikot sa mga pampublikong lugar para magkaroon naman ng takot ang mga kriminal. Bawal ang natutulog sa pansitan nang hindi malusutan ng mga kriminal.
Isa rin sa malaking tulong ang ginagawang information drive ng mga pulis hinggil sa iba’t ibang modus-operandi ng mga mapagsamantalang loob.
Tayong publiko, dapat din makiisa sa pagpapanatili ng masaya at mapayapang pamumuhay. Simulan sa sarili, huwag pasaway. Palaging sumunod sa batas at bantayan ang isa’t isa laban sa anumang banta ng pang-aabuso at panggugulo.



Comments