Mga proyekto sa irigasyon, tutukan para sa seguridad sa pagkain

by Info @Editorial | July 16, 2024

Inihayag ng National Irrigation Administration (NIA) ang pangangailangan ng hindi bababa sa P200 bilyong badyet taun-taon para sa mga proyekto nito sa irigasyon.
Ito ay upang matiyak ang seguridad ng pagkain sa bansa.
Ang P200 bilyong badyet ay magpopondo umano sa mga maikli hanggang pangmatagalang proyekto tulad ng pagtatayo ng mga matataas na dam, restoration projects, solar pump irrigation initiatives, at water impounding projects.
Sa kabila ng mungkahing P200B, ang inaprubahan lamang ng Department of Budget and Management (DBM) ay P42B dahil sa umano’y limitadong pananalapi.
Gayunman, tiwala umano ang NIA na tutulungan ng mga mambabatas ang ahensya na makatanggap ng mas malaking alokasyon kapag nagsimula na ang budget deliberations para sa P6.352-trillion proposed national expenditure plan.
Napakahalaga na napagtutuunan ng pansin ang mga proyektong nagsisilbing pundasyon para magkaroon ng seguridad sa pagkain. Para hindi tayo tuluyang bumigay kapag may mga ‘di inaasahang krisis.
Nawa’y dumating ang pagkakataon na hindi na tayo umaasa sa pag-aangkat o nagdurusa sa taas-presyo.
Sikapin nating maabot ang kakayahang matugunan ang pangangailangan ng mamamayan lalo na sa supply ng pagkain.



Comments