top of page
Rico Blanco at mystery girl - Circulated

Mga problema noon sa eskwelahan, problema pa rin ngayon

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 4 days ago
  • 1 min read

by Info @Editorial | June 4, 2026



Editoryal, Editorial


Ilang tulog na lang, balik-eskwela na, ngunit marami pa ring suliraning kinakaharap ang mga paaralan, ang mga guro, mag-aaral at magulang. 


Taun-taon na itong nangyayari, kaya hindi na dapat ikinagugulat ng pamahalaan ang mga pangangailangan tuwing pasukan. Ang tanong: handa na ba talaga ang gobyerno?


Hanggang ngayon, maraming paaralan ang kulang sa silid-aralan, upuan, aklat, at maging sa mga guro. Dahil dito, naaapektuhan ang kalidad ng edukasyong natatanggap ng mga estudyante. Hindi sapat ang pag-aksyon kapag nagsimula na ang klase. Dapat ay matagal nang natugunan ang mga kakulangang ito.


Dagdag pa rito ang mataas na presyo ng mga gamit sa paaralan. Maraming magulang ang nahihirapang pagkasyahin ang kanilang kita para mabili ang mga kailangan ng kanilang mga anak. Sa halip na puro pangako, dapat maglaan ang gobyerno ng konkretong tulong para sa mga pamilyang hirap sa gastusin.


Kailangan ding paghandaan ang transportasyon, kaligtasan, at kalusugan ng mga estudyante. Dapat tiyakin na ligtas at maayos ang kanilang pagpasok sa eskwelahan araw-araw.


Hindi na bago ang balik-eskwela. Paulit-ulit itong nangyayari bawat taon. Kaya kung tunay na prayoridad ng gobyerno ang edukasyon, dapat ay maaga itong naghahanda at hindi naghihintay na lumala ang problema bago kumilos. 


Ang mga estudyante ay hindi dapat magdusa dahil sa kakulangan ng paghahanda ng mga nasa pamahalaan. Ang kailangan ngayon ay aksyon, hindi dahilan.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page