Mga pramis na investment sa ‘Pinas, bakit ‘di ramdam?
@Editorial | May 2, 2023
Natuloy na ang biyahe ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., pa-Amerika na diretso rin sa London para dumalo sa koronasyon ni King Charles III.
Kasama ng Pangulo si First Lady Liza, at ang kanyang delegasyon para sa 5-day official woking visit sa Washington D.C.
Layunin umano ng biyahe na lalong paigtingin ang magandang ugnayan sa pagitan ng Pilipinas at Amerika.
Mahalaga rin aniya ang kanyang pagtungo sa U.S. at lalo na ang meeting nila ni President Joe Biden para maisulong ang pambansang interes at pagpapatibay ng napakahalagang alyansa ng dalawang bansa.
Kabilang din umano sa target pag-usapan ang food security, agricultural productivity development, digital economy, energy security, climate change, cybersecurity maging ang pagtiyak sa katatagan laban sa mga banta sa ekonomiya, balakid sa global supply chain at economic coercion.
Tiyak na kasunod nito ay dolyar-dolyar na investment na papasok sa ‘Pinas.
Katulad ng mga naunang biyahe ni Pangulong Marcos, ang tanong ng mahihirap at malamang na itatanong ulit nila pagbalik nito, nasaan na ang mga investment? Bakit parang hindi ramdam ng mahihirap?



Comments