top of page

Pabor sa pagbabawal ni VP bet Sara Duterte… Ka Leody: Political caravan at motorcade, walang ambag

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 9, 2022
  • 1 min read

ni Jasmin Joy Evangelista | March 9, 2022



Pabor umano si presidential aspirant Ka Leody De Guzman na ipagbawal ang mga caravan at motorcade dahil wala itong naitutulong tungkol sa diskurso ng halalan.


Ito ay inihayag ni De Guzman matapos ipagbawal ni Davao City Mayor at VP bet Sara Duterte-Carpio ang lahat ng uri ng political caravan at motorcades sa Davao City dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng langis.


“Ang mga campaign caravan at/o motorcade ay maaksaya at mas nagagamit pang-bandwagon ng mapeperang kandidato,” pahayag ng labor leader.


“Higit pa dyan, walang naiaambag ang mga ito para itaas ang diskurso ng halalan. Sangayon ako na ang mga ganitong aktibidad ay di na dapat pahintulutan,” dagdag niya.


Sinabi rin ni De Guzman na mas mainam kung mismong ang Commission on Elections (Comelec) ang gagawa ng polisiya hinggil dito.


“Mas mainam kung ito ay isasapatakaran ng Comelec at umpisahan na ang mga reporma sa halalan katulad ng sentralisadong pangangampanya na kung saan ang pagpapakilala at pagpapalaganap ng plataporma ng mga kandidato ay di nakabatay sa sariling kakayahang gumastos ng kandidato kundi ay pondohan ito ng estado at pantay na gagawin para sa lahat ng kandidato,” aniya pa.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page