top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Mga plakang 8, pinababawi na

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 22, 2023
2 min read

ni Ryan Sison @Boses | November 22, 2023


Malamang na bawiin o i-recall ang lahat ng mga protocol plates na may numerong 8 na inisyu ng mga nakaraang Kongreso.


Sa isang memorandum na may petsang Nobyembre 16, hiniling ni Secretary General Reginald Velasco sa lahat ng House members ang agarang pagbawi o immediate recall ng lahat ng expired Protocol Plates No. 8 na inisyu noong mga past Congresses pati na rin lahat ng anumang huwad na protocol 8 plates na maaaring nasa kanila pa at isumite ito sa Secretary General’s Office.


Nauna na ring hiniling ni Velasco sa Land Transportation Office (LTO) at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na hulihin ang mga driver ng mga sasakyang may dalang “8” na plaka at kumpiskahin ang mga expired o pekeng plaka.


Ang license plate na “8” ay reserved sa mga sasakyan ng mga kongresista.


Ipinaliwanag naman ni Velasco na nais lamang nilang tanggalin ang lahat ng mga huwad o spurious, expired at pekeng mga plaka bago maglabas ng mga new plates.


Samantala, ang mga protocol plates, na tinatawag ding low-numbered plates, ay mga license plates na na-assign sa mga sasakyang ginagamit ng mga top officials ng bansa.


Ayon sa LTO, ang mga naturang protocol plates para sa mga opisyal ay 1 – President, 2 - Vice President, 3 - Senate President, 4 - Speaker of the House, 5 - Chief Justice of the Supreme Court, 6 - Cabinet Secretaries, 7 – senators, 8 – congressmen, 9 - associate justices ng Supreme Court, 10 - presiding justice at iba pang justices ng Court of Appeals, 11 - Commission on Elections chairperson, 12 - Cabinet Undersecretary, 13 - Solicitor General, 14 - Chief of Staff ng Armed Forces of the Philippines at ng Chief ng Philippine National Police, 16 - Regional Trial Court judges, 17 - first level courts, kabilang na ang metropolitan trial courts, municipal trial courts, municipal trial courts sa mga lungsod, at Shari’ah circuit courts para sa paggamit ng assistant city prosecutors, district prosecutors, at chief city prosecutors.


Mabuti ang layunin na i-recall ang mga protocol plates number 8 na nakalaan sa ating mga kongresista.


Kadalasan kasi ay nagagamit ang mga plakang ito sa pamemeke, na umabot pa sa puntong may mga nadamay pang senador at dating congressman.


Isa kasi sa mga behikulo na sinasabing nahuling dumaan sa EDSA bus lane ay may protocol plate 8 na pagmamay-ari ng dating congressman, subalit hindi naman pala sa kanya ang sasakyan maging ang driver na nagmamaneho nito.


Mas makabubuti rin siguro kung babawiin o i-recall muna ito para maging mas maayos na ang mga nakalaang plaka sa mga opisyal ng gobyerno bago pa mag-isyu ng bagong protocol plates at magamit lamang sa tama.

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page