top of page

Mga pisikal na deskripsyon ng mag-asawa para yumaman

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 12, 2023
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran Ayon sa Inyong Numero | December 12, 2023


Dear Maestro,

 

Naisipan kong sumangguni sa inyo, sa kadahilanang pareho kami ng mister ko na kagagaling lang sa abroad at may kaunti na kaming naipon para sana sa aming itatayong negosyo. 

 

Sa ngayon, nagbabalak kaming kumuha ng tindahan o puwesto sa palengke sa bayan.

 

Susuwertehin kaya kami sa ganu’ng negosyo o dapat na mag-abroad na lang uli kami at mag-ipon pa nang mag-ipon? 

 

Ang birthday ko ay October 23, 1986 habang February 14, 1982 naman ang birthday ng mister ko.

 

Umaasa,

Dianne ng Sampaga, Balayan, Batangas

 

Dear Dianne,

 

Ayon sa birth date mong 23 o 5 (2+3=5) at nagkataong 14 o 5 din ang birth date ni mister dahil ang 14 ay 1+4=5. Habang ikaw naman ay nagtataglay ng zodiac sign na nasa pagitan ng Libra at Scorpio habang ang mister mo naman ay isang Aquarius, tunay ngang mas higit kayong susuwertehin at uunlad sa pagnenegosyo na may kaugnayan sa grocery.

 

Kabilang dito, ang pagtitinda ng bigas, asukal, mantika, kape, sabon, at delata na pang-araw-araw na pangangailangan ng mga tao. Kapag ganyan ang inyong naging produkto at pagkatapos ay nai-rolling n’yo pa ito kung saan-saang malalayo at liblib na lugar, sa negosyong nabanggit tiyak kayo ay uunlad, aasenso hanggang sa tuluyan at mabilis na yayaman.

 

Makukumpirma na kayo ay yayaman sa pagnenegosyo, kung isa sa inyo ni mister ay may bilugang hugis ng mukha at pangangatawan o kaya naman ay may kitang-kita na nunal sa mukha. Kung isa man sa inyo ang ganyan ang pisikal na deskripsyon, tulad ng nasabi na - tiyak ang magaganap,  kayo ay yayaman sa iniisip n’yong negosyo na magsisimulang mangyari at maganap sa taong 2041 sa edad mong 55 pataas at 59 naman si mister.

 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page