top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Mga Pinoy, ‘wag magpanggap na turista, legit na magtrabaho abroad

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 22, 2023
  • 1 min read

@Editorial | June 22, 2023

Tatlo pang Pinoy na kinabibilangan ng isang online influencer, ang nasagip at naiuwi na sa bansa matapos mabiktima ng human trafficking.


Ayon sa Bureau of Immigration (BI), sila ay nasa edad 20-30 na ginawa umanong online scammer sa Myanmar.


Ayon umano sa mga biktima, una silang hinikayat na magtatrabaho sa Business Process Outsourcing (BPO) firm sa Thailand. Pero inilipat sila sa Yangon, Myanmar sa isang pseudo-call center agency na sangkot umano sa online scamming.


Umalis umano ang tatlo sa Manila noong Abril at nagpanggap na mga turistang mamamasyal lang sa Singapore.


Kaya ang paalala sa mga gustong magtrabaho abroad, huwag aalis ng Pilipinas na magpapanggap na turista. Sa halip, makipag-ugnayan sa Department of Migrant Workers (DMW) para makakuha ng lehitimong trabaho sa ibang bansa.


Utang na loob, huwag matigas ang ulo. Napakarami nang nabiktima at paulit-ulit na lang ang nangyayari.


Walang masama na magtrabaho abroad o kumita ng malaki, basta legal.


Sa panahon na nagkalat ang mga manloloko, dapat na maging mas maingat at mas matalino, huwag magpapabiktima.


Walang ibang paraan para masigurong legit at safe ang papasukan kundi ang makipag-ugnayan sa kinauukulan.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page