top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Mga Pinoy todo-bilib kay P-Du30 kahit P13-T utang ang iiwan

BULGAR
May 25, 2022
2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | May 25, 2022


PAG-ATAKE NI ROBIN PADILLA KAY P-NOY, SABLAY! – Nabatikos si Rank No. 1 Senator-elect Robin Padilla sa kanyang atake kay yumaong ex-Pres. Noynoy Aquino na wala naman daw nagawa para sa edukasyon at employment ang P-Noy gov't.


Sa totoo lang, mababatikos talaga si Robin kasi ang inaatake niya ay patay na, hindi na makakasagot sa mga atake sa kanya ng actor-turned politician, period!


◘◘◘


PARANG ANG GUSTONG MANGYARI NI REMULLA, GOBYERNO ANG UMAATAKE SA MEDIA – Sinabi ni incoming Justice Secretary Rep. Boying Remulla na mali raw na inaatake ng media ang gobyerno.


Kung may maling polisiya ang gobyerno ay dapat lang atakehin ito ng media para ituwid ng pamahalaan ang kanilang pagkakamali.


Hay naku, sa tema ng salita ni Remulla ay parang ang gusto nitong mangyari ay gobyerno ang dapat umaatake sa media, boom!


◘◘◘


HUWAG SANANG MATULAD SA SRI LANKA ANG 'PINAS – Ayon kay Zeny Gadut, OFW (overseas Filipino worker) na lider ng Pinoy community sa Sri Lanka, dahil sa pagkabaon sa utang ng bansang ito (Sri Lanka) ay patindi na raw nang patindi ang krisis dito dahil sa ngayon daw ay may food shortage na, kasi pahirapan na raw ang pagbili ng mga makakain dito.


Nakupo, huwag naman sanang mangyari na ang dinaranas ngayon ng Sri Lanka ay danasin din ng Pilipinas, kasi tulad ng Sri Lanka, ay baon din sa utang ang Pinas, period!


◘◘◘


IBINAON NA NGA NI P-DUTERTE SA UTANG ANG PILIPINAS, DAMI PANG BILIB SA KANYA – Sa pagbaba ni P-Duterte sa Malacañang sa June 30, 2022 ay higit P13 trilyon ang iiwan nitong utang ng Pilipinas sa mga financial institution sa mundo.


Ang nakakalungkot ay tila hindi alam ng karamihan sa ating mga kababayan ang ibig sabihin ng pagkabaon sa utang ng Pilipinas, o baka hindi nila alam gaano kalaking kuwarta ang P13-T, kasi ibinaon na nga ni P-Duterte ang bansa sa utang, ay ang marami pa ring bilib na bilib sa naging liderato ni Pres. Duterte sa 'Pinas, saklap!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page