top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Mga Pinoy, ready na nga bang wakasan ang nat'l health emergency?

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 13, 2023
1 min read

@Editorial | April 13, 2023


Handa na ang Pilipinas sakaling magdesisyon ang gobyerno na wakasan na ang national health emergency ukol sa COVID-19.


Ito ay ayon sa isang eksperto, kung saan napanatili na umano ang positivity rate sa bansa sa 5%, habang ang healthcare utilization rate ay below 10% na.


Lahat din umano ng gamot laban sa COVID ay mabibili na sa mga piling ospital sa bansa.


Mas handa na rin umano ang mga nurse at doktor sakaling magkaroon muli ng surge.


Matagal na panahon tayong natuon sa COVID dahil kinakailangan, pero huwag din sanang makalimutan na may iba pang mga sakit gaya ng pulmonary at heart diseases na dapat bantayan.


Kung sakaling wakasan na ang national emergency sa COVID, sana ay sumunod pa rin ang lahat sa minimum health standard upang maiwasan ang muling pagkalat ng virus.


Sa totoo lang, kung responsable at disiplinado ang lahat, mas madali nang tapusin ang pangamba sa COVID. Kumbaga, alam na natin kung paano makapamumuhay nang maayos kahit pa may banta ng nakahahawang sakit.


Laging lang mag-ingat at alagaan ang kalusugan.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page