top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Mga Pinoy, pagod at sawa na sa pamumulitika

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 20, 2023
  • 1 min read

@Editorial | June 20, 2023

Sa away sa pagitan ng mga pulitiko, walang higit na nalalagay sa alanganin kundi ang mga mamamayan.


Patuloy ang usapin sa agawan ng teritoryo ng Makati at Taguig. Bagama’t sinasabing may desisyon na ang Supreme Court (SC), tila nagsisimula pa lang uminit ang isyu.


Kasunod ito nang magbigay ng pahayag si Makati Mayor Abby Binay na hindi pa umano tapos ang laban sa paglilipat ng 10 barangay sa hurisdiksyon ng Taguig. Bagay na pinalagan naman ni Taguig Mayor Lani Cayetano, na humirit pa sa SC na pagpaliwanagin at patawan ng parusa ang una.


Hanggang nagbigay na rin ng reaksyon at opinyon ang kani-kanilang nasasakupan. Sa totoo lang, sila talaga ang naiipit sa banggaan ng dalawang panig.


May mga nag-aalala na baka mahirapan ‘pag nailipat sa kabilang lungsod lalo na ang mga tumatanggap ng mga benepisyo. Habang may mga gusto namang mag-ober-da-bakod na para umano maiba ang ‘ika nga’y ‘political atmosphere’.


Sadyang masalimuot ang nangyayari ngayon sa dalawang lungsod, pero kung malinaw at totoo namang may inilabas na final and executory decision ang Korte Suprema sa Taguig-Makati territorial dispute, dapat itong galangin at sundin.


Huwag na sanang hintayin na lumala ang sitwasyon at lalong malito o magkagulo ang mga residente.


Kahit saang lugar naman, tiyak ang hangad ng mamamayan ay magkaroon ng mapayapang pamumuhay at makaiwas sa pamumulitika.


Sa rami ng hinaharap sa araw-araw, nakakapagod at nakakasawa na ang bangayan sa pulitika.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page