top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Mga Pinoy, mas gusto ng kayod kesa ayuda

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 19, 2023
1 min read

@Editorial | June 19, 2023

Totoo naman na mas maraming Pinoy ang gustong magkatrabaho kaysa umasa sa ayuda mula sa gobyerno.


Malaking bagay ang agarang tulong lalo na sa oras ng kalamidad pero dahil ito ay panandalian lamang, ang inaasahan natin ay pangmatagalang solusyon.


Ilang administrasyon na ang dumaan at lindol, at maraming bagyo na rin ang nanalasa, sana ay hindi na tayo nangangamba kung ano ang mangyayari sa kabuhayan ng mga biktima.


Taglay na natin ang positibong pananaw sa buhay, ang pagbangon sa anumang pagsubok, lakas ng loob at sipag, sadyang oportunidad lang ang kulang.


Ito ang dapat at kailangang pagsumikapan ng mga lider ng ating pamahalaan, ang makapagtatag ng programa na aalalay sa mga higit na nangangailangan.


Isang grupo na tututok sa sitwasyon kung saan marami ang mawawalan ng trabaho o kabuhayan dulot ng ‘di inaasahang pangyayari gaya ngayong may nag-aalburotong bulkan. At tulong na hindi natatapos sa relief goods o cash assistance kundi aagapay hanggang sa makabalik sa paghahanapbuhay.


Kapag naging maayos na ang kanilang kalagayan, ito naman ay magdudulot ng kaginhawaan sa ating ekonomiya.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page