top of page
Search
  • BULGAR

Mga Pinoy, maging maingat sa masalimuot na usapin sa WPS

@Editorial | September 27, 2023


Tinanggal na ng Philippine Coast Guard (PCG) ang floating barrier sa Bajo de Masinloc o Scarborough Shoal na inilatag ng China kamakailan.


Kasunod umano ito ng utos mula sa Malacañang at National Task Force for the West Philippine Sea.


Batay sa kautusan, malinaw na paglabag ito sa international law, na humahadlang din sa pangingisda at kabuhayan ng mga Pilipinong nakatira roon.


Ang pagtanggal sa mga harang ay hindi lamang para mapanatili ang sovereign rights ng Pilipinas sa lugar, kundi upang maprotektahan ang kapakanan ng mga mangingisda.


Iginiit ni National Security Council Assistant Director General Jonathan Malaya na pag-aari ng Pilipinas ang Bajo de Masinloc kaya hindi dapat pinagbabawalan ang mga Pinoy na makapangisda sa lugar.


Una nang iniulat ng PCG na isang 300-meter floating barrier ang inilagay sa kahabaan ng Scarborough Shoal na pumigil sa mga mangingisdang Pinoy na makapasok sa lugar.


Lubhang masalimuot ang usapin sa WPS at talagang ayaw tantanan ng China ang Pilipinas.


Batid natin kung ilang beses at kung paano nila binu-bully ang ating mga kababayan.


Gayundin, ang tahasang pagbalewala sa ating karapatan.


Ngayong nagawa nating maalis ang inilagay na harang ng China sa WPS, kailangang maging mas alerto at maingat. Kasabay ang patuloy na pagbibigay proteksyon sa mga mangingisdang Pinoy.


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page