top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Mga Pinoy, kamot-ulo na naman sa taas-presyo ng bilihin

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 19, 2024
1 min read

@Editorial | Enero 19, 2024


Panibagong pangamba na naman para sa mga mamimili ang paggalaw ng presyo ng siyam na grocery items.


Naglabas na kasi ang Department of Trade and Industry (DTI) ng bagong SRP bulletin kung saan nasa 75 centavos hanggang sa kulang dalawang piso ang idinagdag sa presyo ng mga brand ng asin habang ang ilang brand ng kape ay kumonti o nagbawas ng timbang.


Iginiit naman ng mga manufacturer na nakaapekto ang pagtaas ng presyo ng raw materials at packaging kaya nagpetisyon silang magtaas presyo.


Pinangangambahan din ang pagtaas ng presyo ng harina at asukal dahil maaari umanong madamay pati ang presyo ng mga tinapay.


Ngunit, nilinaw naman ng DTI na hindi agad nila maaaprubahan ang petisyon ng ibang produkto na magtaas ng presyo dahil kailangan umano itong pag-aralan nang mabuti.


Nangangahulugan na naman ito na kailangang magdoble-kayod ang mga ‘Pinoy para sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin, maging mas matipid, at pagplanuhan na ang pagba-budget para sa mga susunod na bibilhin. Sa ganitong pagkakataon ay kailangan nating piliin ang mga kailangan natin sa gusto lang. 


Nakakalungkot lang na walang magawa ang taumbayan kundi ang magkamot-ulo na lang sa pagtaas ng mga presyo.


Sa kabila nito, umaasa pa rin tayo na makakaramdam ulit tayo ng kaginhawaan at magawan sana ng paraan ng gobyerno ang non-stop na pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page