top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Mga pinoy, kailangang mas dumiskarte para makasabay sa bilis ng taas-presyo ng mga bilihin

BULGAR
Nov 5, 2022
1 min read

@Editorial | November 4, 2022


Bumilis ang inflation o pagtaas ng presyo ng mga bilihin sa buwan ng Oktubre.


Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), pumalo sa 7.7 percent ang inflation kumpara sa 6.9 percent na naitala noong Setyembre.


Pinakamabilis ito na inflation mula noong Disyembre 2008, kung saan nagkaroon ng global financial crisis.


Kahit bumilis ang inflation, pasok pa rin naman ito sa forecast ng Bangko Sentral ng Pilipinas sa 7.1 hanggang 7.9 percent.


Bilang tugon, dapat maging mas matipid at madiskarte para makasabay ng bilis ng taas-presyo.


Kailangang mas matutunan at unahin kung ano ang mga bagay na kailangan, saka na ang mga gusto lang.


Mahaba-haba pa ang panahon na kakailanganin sa pagbangon. Batid naman natin na hindi lang pandemya dulot ng COVID-19 ang ating kinakaharap kundi maging ang mga bagyong sunud-sunod na nagpapasukan.


Sa kabila nito, patuloy tayong umasa na may kaginhawahang naghihintay sa susunod na taon. Lahat ng sakripisyo at pagsisikap ay may magandang sukli sa hinaharap.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page