top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Mga Pinoy, ‘didapat masanay sa kada pasaway, multa, kailangan ng disiplina

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 25, 2024
1 min read

@Editorial | Pebrero 25, 2024


Magkakamultahan na sa mga pasaway na gumagamit ng e-bike at e-tricycle sa national road.


Ito ay dahil inaasahan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na aaprubahan na ng Metro Manila Council (MMC) sa susunod na linggo ang panukalang parusa sa e-bike at e- trike na mahuhuling dumaraan sa national roads.


Una nang nagpulong ang mga ahensya ng gobyerno at lahat ay nagkasundo na magkaroon ng malinaw na regulasyon kabilang na ang pagtatakda ng parusa sa paggamit ng electric vehicles partikular sa mga national road.


Bagama’t naglabas na ng administrative order ang Land Transportation Office noong 2021 sa mga alituntunin para sa e-vehicles – e-bikes, e-motorcycles, e-trikes, hindi nito tinukoy ang mga parusa at multa.


Nakalagay lang kung saan sila pwedeng dumaan at sino ang maaaring magmaneho at ano ang maximum speed level. Una nang inihayag ng MMDA na nakikipag-ugnayan ito sa LTO para sa mandatory registration ng mga sasakyang ito at gawing rekisitos sa mga driver ang pagkuha ng lisensya.


Talagang panahon na para magkaroon ng parusa laban sa iresponsableng paggamit ng e-vehicles. Lahat ng sinasabing bawal gawin ay ginagawa, marahil dahil hindi naman napapanagot. Nakakalungkot, pero nasanay na lang ang publiko na saka lang susunod ‘pag may parusa o multa na, imbes na magkusang magpamalas ng disiplina.


Ang kawalan ng disiplina at respeto sa batas ang isa sa mga dahilan kung bakit magulo at walang asenso ang bayan. Simpleng bawal pumarada dahil nakakasagabal, sinusuway, kailangan pang hatakin ang sasakyan, ang masaklap, pumapalag pa kahit wala na sa katwiran.


Magbago na tayo. Ginawa ang mga batas para maging maayos ang lahat at upang maging tuluy- tuloy ang pag-usad.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page