Mga pekeng baril, nasamsam... Gas station hinoldap, 3 tiklo

by BRT @News | November 9, 2026

Photo: Bacoor City Police Station / CCTV
Kulong ang tatlong lalaki na nasa likod ng panghoholdap sa isang gasolinahan sa Brgy. Zapote 3, Bacoor City, Linggo ng umaga, Nobyembre 8.
Nakuhanan sa CCTV ang pagtutok ng baril ng angkas ng motorsiklo sa kahera ng gas station.
Sa hot pursuit operation, natunton ng mga pulis ang mga suspek matapos mag-check in sa isang apartelle sa Parañaque City.
Na-recover sa mga suspek ang dalawang cellphone, perang aabot sa P8,000 at mga pekeng baril na ginamit sa panghoholdap.





Comments