top of page
Paul Salas, Mikee Quintos at Jeo Ong - IG - PBB YT.jpg

2027 budget bicam, dapat naka-live, may transcript — Ping

Writer: BULGAR
BULGAR
9 hours ago
1 min read

ni Mylene Alfonso @News | November 9, 2026



Ping Lacson sa Bicam - Senate PH

Photo: File / Ping Lacson - Senate PH



Palalawakin ng Senado ang mga hakbang para matiyak ang transparency sa pagbuo ng 2027 national budget, kabilang ang tuluy-tuloy na livestreaming at pagkakaroon ng transcript ng mga pagdinig ng bicameral conference committee o bicam.


Ayon kay Senador Panfilo “Ping” Lacson, mahalaga ang transcript upang matukoy kung sinong mambabatas ang nagpanukala ng mga amyenda at nag-utos ng realignment sa mga probisyon ng badyet.


“Ang bicam, dapat lagyan ng minutes, naka-record ang transcript. Ito lang ang bicam sa lahat ng measure na walang transcript. Hindi maintindihan kung sino nag-introduce ng amendment. Meron na dapat ngayon. For the longest time walang transcript yan,” aniya.


Plano rin ng Senado na imbitahan ang mga grupong nagsusulong ng budget transparency, gaya ng People’s Budget Coalition, bilang mga tagamasid sa bicam proceedings.


Ikinabahala rin ni Lacson ang mga kuwestiyonableng geotagged coordinates ng ilang proyekto sa panukalang 2027 budget na aniya’y posibleng sinadyang manipulahin at hindi simpleng pagkakamali.


Binigyang-diin niyang dapat ding panatilihin ang Unified Account Code Structure (UACS) sa lahat ng yugto ng proseso ng badyet upang masubaybayan ang mga proyekto hanggang sa aktuwal na implementasyon.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page