Ilang lugar sa M. Mla., Rizal at Cavite, walang tubig sa Nov. 9-15

by BRT @News | November 9, 2026

Photo: File
Asahan umano ang pansamantalang pagkawala ng suplay ng tubig sa ilang bahagi ng Metro Manila, Rizal at Cavite mula Nobyembre 9 hanggang 15, ayon sa Manila Water at Maynilad.
Dahil ito sa nakatakdang maintenance, pagkukumpuni ng mga tubo, pagtukoy sa mga tagas at pagpapahusay ng mga pasilidad ng tubig.
Kabilang sa mga apektadong lugar ang:
Caloocan City – Nobyembre 9-13
Quezon City – Nobyembre 10-11
Manila – Nobyembre 10-13
Las Piñas, Parañaque at Pasay – Nobyembre 10-12
Muntinlupa City – Nobyembre 12
Cainta at Taytay, Rizal – Nobyembre 10-11
Angono, Rizal – Nobyembre 11-12
Imus at Bacoor, Cavite – Iba't ibang iskedyul mula Nobyembre 9-15
Hindi lahat ng barangay sa mga nabanggit na lugar ay apektado, at magkakaiba ang oras at tagal ng water interruption.





Comments