Mga pasyente, todo-tiis na lang.. 'Pinas, 23 yrs. pang kulang sa dok at nars

ni Madel Moratillo | May 5, 2023

Posible umanong abutin ng 12 hanggang 23 taon bago matugunan ang problema sa kakulangan ng mga nurse at doktor sa bansa dahil sa kasalukuyang sitwasyon.
Sa datos ng Department of Health, may 44,602 doktor at 178,629 nurse ang nagtatrabaho sa bansa.
Malayo kung ikukumpara sa datos ng Professional Regulatory Commission kung saan nasa 95,000 ang lisensyadong doktor sa Pilipinas habang 509,000 naman ang lisensyadong nurse.
Sa pagdinig sa Kamara, aminado si Vergeire na hindi lahat ng mga ito ay nasa health sector.
Ang iba aniya ay nagtuturo, nasa Business Process Outsourcing at iba pa.
Sa pagtaya ng opisyal, nangangailangan ang bansa ng dagdag na 178,000 nurse at 114,000 doktor para matugunan ang understaffing sa mga ospital.
Kada taon, nakakapag-produce aniya ang bansa ng 4,387 physicians at 10,645 nurses.
Kaya mungkahi ni House appropriations panel senior vice chairperson Stella Quimbo, ang mga nars at doktor na nagtapos sa state universities ay dapat bigyan ng mandato na mag-render muna ng serbisyo sa bansa.





Comments