top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Mga pasaway sa SRP, tuluyan

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 7, 2023
1 min read

@Editorial | June 07, 2023




Nananatili umanong pasok sa suggested retail prices (SRP) ang mga basic necessities and prime commodities.


Tiniyak din ng Department of Trade and Industry (DTI) na patuloy nitong paiigtingin ang monitoring upang matiyak ang stability ng mga presyo at availability ng mga supply ng mga basic and prime goods.


Kasabay nito ang pagtulong ng ahensya sa Department of Agriculture (DA) sa pag-monitor sa mga presyo ng mga produktong pang-agrikultura tulad ng asukal at sibuyas.


Sa naging assessment para sa mga presyo at supply situation ng bansa, pasok pa rin daw sa SRP bulletin ang manufactured goods, agricultural products, medisina at mga produktong petrolyo.


Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), patuloy din ang pagbaba ng presyo ng sibuyas sa NCR at sa iba pang rehiyon.


Iniulat naman ng Department of Energy (DOE) na nagkaroon ng cumulative na pagbaba ng P4.85 para sa petroleum gas o LPG, P5.05 naman para sa diesel at P6.75 para sa kerosene noong Mayo 30.


Malaking kaginhawaan ito para sa mga mamamayan dahil nitong mga nagdaang buwan ay talagang sunud-sunod na nagtaasan ang presyo ng mga bilihin.


Bantayan din sana ang bawat pamilihan at hulihin ang mga hindi sumusunod sa SRP upang maiwasan ang pang-aabuso.


Ang isa pang hangad ng mga mamimili lalo na ng mga mahihirap ay maging pasok din sa budget ang sinasabing SRP.


Aminin natin na talagang mataas na ang presyo ng mga bilihin pero mababa pa rin ang pasahod sa ibang manggagawa. Marami rin ang walang regular na trabaho.


Kaya sana, maging abot-kaya ang presyo lalo na ng mga pangunahing bilihin, maitawid lang ang gutom sa araw-araw.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page