top of page

Mga pasaway sa kalsada, ‘wag bigyan ng lisensya

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 28, 2023
  • 1 min read

@Editorial | October 28, 2023


Nakababahala ang ulat na umaabot sa 11,000 katao ang namamatay kada taon dahil sa mga aksidente sa kalsada.


Kaugnay nito, pinapatutukan na sa Land Transportation Office (LTO) ang road safety sa buong bansa.

Inatasan din ang ahensya na bigyang prayoridad ang kaligtasan ng mga pedestrian o mga naglalakad, lalo na ang mga bata, at tiyaking ligtas sila mula sa banta ng mga rumaragasang sasakyan.

Tinukoy din na ang napakataas na bilang ng mga namatay sa iba’t ibang bahagi ng bansa ay dahil sa mga road accident. At ang mga sangkot ay nakitaan ng mga pagkakasala na kinabibilangan ng drunk driving, over speeding, texting while driving, at iba pang risky human behavior. Sila ang mga pasaway na hindi dapat binibigyan ng pagkakataon na makapagmaneho.


Bukod sa pagtuturo ng defensive at safe driving sa mga kumukuha ng driver’s license, mainam din na mas higpitan ang pagbibigay ng lisensya. Hindi puwede ‘yung basta nakakapag-drive at may pambayad, okay na. Para naman sa mga nahuhuling lumalabag sa batas, dapat ay maturuan ng leksyon para mas maunawaan ang bigat ng responsibilidad sa pagmamaneho.


Isipin natin na hindi lang sariling buhay ang nakataya sa tuwing nagmamaneho sa kalsada kundi maging ang kaligtasan ng mga kapwa motorista at lahat ng nasa kalsada.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page