top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Mga pasaway sa kalsada, out!

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 15, 2021
1 min read

@Editorial | March 15, 2021



Isang Memorandum of Agreement (MOA) ang nilagdaan ng Land Transportation Office (LTO) at Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) upang mapalakas ang driver’s education sa bansa.


Layunin ng MOA na matiyak ang pare-parehong standards na ipinatutupad ng mga driving schools gayundin upang maging mas mura ang training course para sa mga drivers.


Kaugnay nito, magbibigay din ang TESDA ng maraming libreng driving courses sa publiko.


Sa pamamagitan din nito ay matutugunan na ang hirit ng publiko na dekalidad at murang training program para sa mga drayber.


Batay sa data ng Philippine Statistics Authority (PSA), isa sa mga pangangailangan sa labor market ay mga qualified drivers. Sila ‘yung hindi lang basta nakakapag-drive kundi, marunong at responsableng drayber.


Hindi naman lingid sa ating kaalaman kung gaano katindi ang problema sa trapiko at isa sa mga dahilan ay ang mga pasaway na drayber. Tipong, kung hindi sapat ang kaalaman sa mga batas-trapiko, eh, sadyang ayaw sumunod at gusto lang makaperhuwisyo.


Kaya sa pamamagitan nitong driving courses ng ibibigay ng gobyerno, hindi na puwedeng magdahilan na dagdag-gastos ang matutong magmaneho. Hindi na rin uubra ang mga hirit na hindi alam ang mga traffic signs at tamang galawan sa kalsada. Hindi na rin puwede ang mga pasiga-siga at kung sinu-sinong tao ang ginagamit para makalusot sa violations.


Masyado nang maraming problema sa paligid, huwag na nating dagdagan pa.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page