top of page
Pokwang.jpg

Mga pasaway na anak, bantayan!

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 21, 2020
1 min read

@Editorial | October 21, 2020



Viral ngayon sa social media ang video ng dalawang grupo ng kabataan na nagrambulan sa Bacoor City, Cavite.

Sa kuha ng video, dalawang babae lang ang unang naglaban hanggang sa tumulong na rin ang kani-kanilang grupo. Ayon sa isa mga sangkot sa rambol, nasa labas siya ng bahay nang dumating ang kanyang mga kaibigan at pakay daw na makipagbati sa isang grupong nakaaway nila dahil sa mga post sa social media subalit, nauwi ito sa gulo.

Napag-alamang pawang nasa edad 13 hanggang 15 ang mga sangkot sa rambol at naganap umano ito bago pa payagang lumabas ang mga nasa edad 15-69.

Nakapanlulumo na imbes na manahimik sa loob ng bahay at mag-aral o tumulong sa mga gawain ay nagawa pa nilang makapuslit para makipagbasag-ulo. Walang pakialam kung madale ng COVID-19 o makapag-uwi ng sakit sa pamilya.

Isa pa sa nakaaalarma ay ang mga insidente ng pagkakahuli sa mga menor-de-edad na nasasangkot sa ilegal na droga. Kung hindi gumagamit, ginagamit namang tulak.

Kaya ang paalala sa mga magulang at guardian, bantayan ang ating mga anak lalo na ngayong puwede na silang lumabas. Alam naman nating wala sila sa paaralan dahil naka-distance learning, kaya tiyak na gagala o tatambay lang kung saan ang iba sa kanila.


Huwag nating hayaan na hindi lang virus ang maging banta sa kanilang kaligtasan kundi maging ang masasamang impluwensiya sa paligid.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page