top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Mga partylist representatives, hindi dapat bigyan ng pork barrel

BULGAR
May 28, 2022
2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | May 28, 2022


AKALA SIGURO NG MGA BOTANTENG BUMOTO SA 'AGIMAT PARTYLIST' MAGKAKAROON SILA NG ANTING-ANTING – Isa sa nagwaging partylist ay ang "Agimat Partylist" ng pamilya Revilla.


Ibig sabihin, malakas pa rin ang karisma sa publiko ni Sen. Bong Revilla kahit na nasangkot siya noon, at kalaunan ay naabsuwelto sa pork barrel scam.


At akala naman siguro ng mga bumoto sa Agimat Partylist ay magkakaroon sila ng "anting-anting" kaya binoto nila ang partylist na ito, joke, joke, joke!


◘◘◘


ROLE NI LITO LAPID BILANG 'PINUNO' SA 'ANG PROBINSYANO' GAMIT NA GAMIT NIYA SA PULITIKA – Nanalo rin bilang partylist ang Pinuno Partylist ng grupo ni Sen. Lito Lapid.


Patunay 'yan na talagang hit pa rin ang teleseryeng "Ang Probinsyano" at ang dating role dito ni Lito Lapid bilang "Pinuno" ay gamit na gamit niya sa pamumulitika, boom!


◘◘◘


AKALA SIGURO NG MGA BUMOTO SA 'TUTOK TO WIN PARTYLIST' MAMIMIGAY ITO NG PAPREMYO SA KONGRESO – Nagwagi rin ang "Tutok To Win Partylist" ng grupo ni comedian-TV host Willie Revillame.


Siguro, inakala ng mga bumoto sa partylist na ito ay mamimigay ng papremyo sa Kongreso ang Tutok To Win kaya ibinoto nila ito.


Ang pagboto ng mga botante sa partylist na ito ay pagpapatunay na hindi pa gaanong naiintindihan ng mga botante ang kahulugan ng partylist, basta sila, boto lang nang boto, tsk!


◘◘◘


PARTYLIST TANGGALAN NG PORK BARREL – Kung hindi rin lang aalisin sa bansa ang partylist system, pinakamainam ay huwag nang bigyan ng pork barrel ang mga partylist.

Tingin natin, kung ang mga partylist ay hindi magkakaroon ng parte sa pork barrel, ang matitira na lang na partylist ay 'yung mga partylist na totoong nagre-represent sa marginalized sector ng lipunan.


Kapuna-puna kasi sa ngayon, na karamihan sa mga partylist na nagwagi nitong nakalipas na halalan at naiproklama na, ay mga partylist na "pag-aari" ng mga trapo (traditional politicians), period!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page