Mga parcel, 'di kinaya... Bodega gumuho, 2 empleyado dedo
- BULGAR

- 48 minutes ago
- 1 min read
ni Mervin Reyes @News | September 5, 2026

Photo: File
Dalawang empleyado ang nasawi habang tatlo ang nasugatan nang gumuho ang ikalawang palapag ng isang bodega na kanilang pinagtatrabahuhan sa Bocaue, Bulacan.
Ayon sa pulisya, hindi umano kinaya ng palapag ang bigat ng mga kahong puno ng parcels kaya ito bumagsak.
Isinugod sa ospital ang mga biktima, ngunit dalawa sa kanila ang kalauna’y namatay dahil sa matinding pinsalang tinamo sa katawan.
Tatlo naman ang nakaligtas sa insidente, kabilang ang dalawa na nakalabas na ng ospital.
Samantala, nakipagpulong na ang mga pamilya ng mga biktima sa may-ari ng bodega, na nangakong sasagutin ang lahat ng gastusin kaugnay ng insidente.





Comments