top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Mga parak, doblado na nga ang suweldo, nanghoholdap pa?!!

BULGAR
Apr 10, 2022
2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | April 10, 2022


KABADO SI BATO – Lumantad na ngayon si Sen. Ronald "Bato" Dela Rosa sa pangangampanya kay presidential candidate, former Sen. Bongbong Marcos, at ang kanyang taktika sa pagsuporta kay BBM ay "banatan" si presidential candidate, Vice Pres. Leni Robredo, na ayon sa dating PNP (Philippine National Police) chief ay sinisiraan daw ng Bise Presidente sa UN (United Nations) ang drug war ni P-Duterte.


Sa totoo lang, kabado si Bato kapag si Leni ang naging presidente kasi tiyak papayagan nito (Leni) na pumasok sa Pilipinas ang mga taga-International Criminal Court (ICC) para kumalap ng mga ebidensiya sa naganap na EJK (extrajudicial killings) sa bansa na maging dahilan para makulong siya (Bato) at si P-Duterte, period!


◘◘◘


PING LACSON NA KA-TANDEM NI TITO SEN TABLADO SA TAGA-EAT BULAGA – Marami rin ang nabigla nang lumantad naman sa people's rally ni VP Leni ang taga-Eat Bulaga na si comedian Allan K para ikampanya for president si Leni.


Dahil d'yan, nalaman ngayon ng publiko na may taga-Eat Bulaga pala na ayaw kay presidential candidate, Sen. Ping Lacson, na ka-tandem ni VP candidate, Sen. Tito Sotto, boom!


◘◘◘


MGA PNP-PROVINCIAL COMMANDERS NA NGANGA SA PERYA NG BAYAN CON JUETENG, SIBAKIN! – Ang operasyon ng perya ng bayan con jueteng ay ipinagbawal ni P-Duterte dahil ilegal daw ang operasyon nito, pero sa kabila na ipinagbabawal ito ng Pangulo ay tuloy pa rin ang operasyon nito sa Cavite, Rizal, Pangasinan, Aklan, Capiz at Iloilo.


Dapat yata, bago bumaba sa poder si P-Duterte ay utusan na niya si PNP Chief Gen. Dionardo Carlos na sibakin ang mga provincial commanders sa mga lalawigang ito na pawang nganga sa ilegal na operasyon ng perya ng bayan con jueteng, period!


◘◘◘



DOBLADO NA NGA ANG SUWELDO NG MGA PARAK NAGAGAWA PANG MANGHULIDAP NG VENDOR – Isang vendor ang "hinulidap" umano ng anim na pulis-Caloocan at tinangay ang P14K cash nito.


Sobrang bad naman ng anim na parak na ito, kasi walang awa dahil dinoble na nga ni P-Duterte ang kanilang suweldo, tapos nanghu-hulidap pa ng vendor? Tsk!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page