Mga paputok, sumabog... Fireworks display sumablay, 18 nadale

by Mervin Reyes @News | November 23, 2026

Photo: Circulated
Sugatan ang 18 katao matapos pumalya ang fireworks display at sumabog ang mga paputok malapit sa mga manonood sa pagbubukas ng Christmas Festival of Lights 2026 sa Tangub City, Misamis Occidental, Sabado ng gabi, Nobyembre 21.
Kabilang sa mga nasugatan si Jhen Marie Rio, 24, na nawalan umano ng pandinig sa kanang tainga, at ang kanyang fiancé na si Concord Paul Ramas Jr., 27, na nagtamo ng mga paso sa katawan.
Ayon kay Rio, nawalan siya ng malay matapos ang pagsabog na naganap ilang sandali matapos mag alas-8 ng gabi. Sugatan din ang dalawa nilang kasamahan.
Agad na nilapatan ng lunas ang mga biktima, habang nagbigay naman ng tulong pinansyal ang lokal na pamahalaan para sa karagdagang pagpapagamot.
Patuloy pang inaalam ang sanhi ng pagpalya ng fireworks display.





Comments