ni Eli San Miguel @News | Oct. 28, 2024
Photo File: Coast Guard District / CAAP
Inanunsiyo ng Department of Transportation (DOTr) ngayong Lunes na bukas na muli sa publiko ang lahat ng paliparan at pantalan sa bansa matapos ang pinsalang dulot ng Typhoon Kristine sa Luzon nitong nakaraang linggo.
Iniulat ni DOTr Secretary Jaime Bautista na maglalaan ang gobyerno ng humigit-kumulang P100 hanggang P110 milyon para sa mga repairs ng mga pantalan, na may mga minor damages lamang na naitala.
“Right now, all airports are operational. Wala namang mga major damages na nangyari doon sa mga airports natin. And, so far, lahat ito ay operational,” aniya. Sinabi niya ang parehong bagay tungkol sa mga pantalan, na binigyang-diin na operational na itong lahat kahit na aabot sa humigit-kumulang P110 milyon ang gagastusin para sa pag-aayos ng mga minor damages dulot ng Typhoon Kristine.
“Ang maraming naapektuhan na mga pasahero natin ay iyong doon sa, dito sa Sorsogon, iyong ating seaport from Sorsogon to Allen. Hanggang ngayon medyo mahaba pa rin iyong pila ng mga sasakay doon sa RoRo from Matnog to Allen ,” pahayag ni Bautista. “But, we are working closely with all the authorities, so that mapadali iyong pagbiyahe nung mga sasakyan,” dagdag pa niya.
Comments